top of page

Savage lines ni mama na mapipilitan ka magtipid

Ano’ng paborito mong linya ni nanay ‘pag nagagalit siya sa’yo, lalo’t ‘pag magastos ka?


Savage lines ni mama na mapipilitan ka magtipid

Dahil malapit na ang Mother’s Day, isa-isahin natin ang mga go-to savage lines ni mama! Kahit madalas niya tayong pangaralan, mahal na mahal natin siya. Nagagalit man sila sa atin but we know she means well!


Indeed, she lives in our heads rent-free dahil sa mga iconic lines niya, especially when teaching the value of money. Let’s explore some of these timeless phrases that make us think twice about our financial choices:


“‘Pag namatay ako, kawawa kayo.”

OA na kung OA pero aminin mo, totoo naman! No matter how old we get, iba pa rin talaga mag-alaga ang isang ina. This is just her way of reminding us of the importance of being financially independent and responsible even after she’s gone.


“’Nak, akin na yung pera mo. Tatago ko muna.”

Technique ‘to ni Mama noong mga bata pa tayo tuwing nakakatanggap tayo ng pamasko! Tapos ‘pag hihingiin mo na, ang reply niya, “Wala na ‘nak, pinang-Jollibee na natin!” Isipin mo na lang this is her way to prevent us from spending our cash impulsively, ensuring it’s saved for more important expenses.


“Kanino ka ba nagmana?” at “Mana ka talaga sa tatay mo.”

Along with “Ang gastos mo” at “Kaka-selpon mo ‘yan”, ito madalas ang kasunod — kinukumpara ka sa erpats mo. Like it or not, our mothers love to imply that our extravagant tendencies come from our other parent.


“Anong akala niyo sa akin, nagtatae ng pera?!”

Again, our spending habits are to blame for this one. Nakakatawang alalahanin ‘pag ito ang balik niya sa atin tuwing magastos tayo. Pero tama nga naman siya (as always!) as money doesn’t grow on trees.


“Patayin niyo na yung TV, kaninang umaga pa ‘yan!”

Mother Earth talaga si Mama kasi nangunguna rin siya pati sa pagiging eco-friendly at zero waste. But it’s true, we must conserve electricity and be mindful of unnecessary expenses like leaving appliances running.


“’Wag ka nang mapili sa ulam, ‘di tayo mayaman!”

Ever had that moment na paulit-ulit na Maling o corned beef ang ulam niyo sa isang linggo? We’ve all been there, it’s part of growing up! Pinapaalala lang sa atin ni Mama na ‘wag maging maaksaya at pahalagahan kung anong meron tayo, especially when it comes to food.


“Sinasabi ko na nga ba…”

It hits different talaga ‘pag si Mama ang na-disappoint sa mga financial choices natin. That knowing sigh and shaking of her head made us realize the importance of listening to her advice...


“Mag-aral kang mabuti para ‘di ka matulad sa amin ng tatay mo.”

Malaking bagay kay Mama ang makapagtapos ang mga anak niya. Not only does this give a sense of accomplishment for her children but also for herself. It’s one step ahead to avoid repeating the same financial struggles she and your father had faced.


“Tandaan mo, magiging magulang ka rin.”

Pagkatapos ng sermon usually comes the lesson. This is Mama’s simple way of saying that the financial habits we cultivate now will influence our children’s upbringing.


“Proud ako sa’yo, ‘nak!”

Wala talagang makakatalo sa ‘pag tough love ni Mama! This reassuring one-liner is truly comforting to hear, that despite her sermons, she’s proud of our efforts to be financially responsible!


While these savage lines may elicit groans and eye rolls, ‘di mo ipagkakaila na tama naman palagi si Mama na talaga namang mapapa-reflect ka on your spending habits, and other habits mo sa life. As we navigate our budgets, let’s cherish these iconic phrases as reminders of Mama’s timeless wisdom.


Happy Mother’s Day!

309 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page