Ang Lista ay isang mobile app na ginawa para makatulong sa bawat Filipino sa paghandle at pagmonitor ng kanilang mga finances. Ilan sa mga features ng app ay ang mga sumusunod:
Money tracker. Ino-automate ng Lista ang pag track ng inyong pera sa pang-araw-araw.
Utang tracker at payment reminders. Nagpapadala ng FREE SMS ang Lista upang ipaalala sa customer o kakilala niyo ang pagbayad ng kanilang utang.
Cash flow, sales, at profit monitoring. Makikita mo ang bawat paglabas at pagpasok ng pera ng iyong negosyo.
Credit score aggregator. Sa Lista, pwede mong makita ang credit score mo at kumuha ng credit report mula sa CIBI at TransUnion. Makakatulong ito para mas ma-monitor mo ang credit standing mo at gumawa ng mas informed na financial decisions. Mas may peace of mind ka knowing you’re in control of your credit!