top of page
Writer's pictureLista Admin

Mga sermon ni tatay that'll have you rethink your spending

Updated: Jun 14

Malapit na Father’s Day! Kuripot din ba mga Tatay niyo?


8 sermons ni tatay that will have you rethink your spending

Father’s Day is just around the corner, meaning galante na naman si Tatay manlibre sa Linggo cause there’s no other person in our lives more extravagant than our dads! Kahit kuripot siya most of the time, his kuripot-ness is a wonderful trait kasi aminin mo, ikaw din naman ang nagbe-benefit when he wants to splurge!


Isipin mo na lang that he has major reasons for holding on to his hard earned money kaya ‘di ka dapat maging bitter ‘pag ‘di ka niya binibigyan tuwing humihinga ka.


Let’s count some of his sermons na talaga naman mapapaisip ka kasi ‘di mo lang ‘to maa-apply sa pera, kundi sa buong buhay mo rin:


“Walang sweldong nagkasya sa taong marunong gumasta.”

For sure, ngayong tumatanda ka na ay ngayon mo lang ‘to unti-unti nage-gets. Masarap naman talaga sumweldo ng malaki pero tama si Tatay, ‘pag di ka marunong mag-prioritize ng mga gastusin, tulad ng pag-se-separate ng Needs at Wants, kahit anong taas ng sweldo mo ay never magiging enough ‘yan.


”Sino na naman kasama mo? Anong oras ka uuwi?”

Kaway-kaway sa mga eldest daughters diyan! Eto ang madalas na chat ni Tatay ‘pag nasa galaan pa rin tayo past our bedtime. Mukha lang nagi-investigate siya but this line teaches the importance of accountability and responsibility. Tatay just wants to make sure we’re safe and making good choices.


“Pumirme ka sa bahay. ‘Wag ipilit maglakwatsa ‘pag walang pera.”

In short, he’s just telling you to live within your means — no matter what your age is! Ever since bata palang ata ako, eto naririnig ko kay Tatay tuwing nagpapaalam ako gumala. Kayo rin ba?


”Itanong mo sa Mama mo, ‘nak.”

Tatay may be the provider in the household but he’s man enough to admit that Mama is in charge of all the decision-making, including financial matters. It shows us how crucial it is to talk openly and respect each other in the family, making sure everyone’s voice gets heard.


“Magtipid ka. Mahirap lang tayo.”

Isa rin ito sa mga advice na lagi niya pinapangaral sa atin, minsan nga sabay pa sila ni Mama. Pero nagiging totoo lang naman sila, na ‘di sa lahat ng pagkakataon ay meron tayong pera. So, be mindful of your financial limitations. Tipid-tipid din kung kaya.


“Tumulong ka kahit mahirap lang tayo.”

Di naman tinutukoy na tumulong tayo sa kapwa through financial means ‘cause there are many other ways to show support to those who have it harder than us. Pinapaalala niya lang sa atin na dumaan din siya sa butas ng karayom and that no matter what happens, lagi mong piliin maging mabait.


“Kung mayaman lang tayo, ‘di na kita hahayaan lumayo sa amin para magtrabaho.”

Never natin masusukat ang dami at bigat ng mga sacrifices na ginawa ng mga parents natin to give us a better life. But sometimes, those sacrifices never really lived up to their potential… Masakit aminin, lalo na sa part ni Tatay, na siya’y nagkulang. Kaya let’s do what we can to the best of our abilities and give ourselves the life we deserve, one where we wouldn’t have to endure hardships in the future.


”Swerta ka, ‘nak, ‘di niyo dinanas ang hirap ng buhay namin noon.”

On the flip side, meron din naman mga Tatay na ginapang ang kanilang mga pamilya and are now enjoying the fruits of their hardships. This line is both a reflection on past struggles and an appreciation of the comforts we have now. So let’s not take it for granted.


Ngayon, alam mo na bakit kuripot si Dad? These lines may sound rehearsed kasi paulit-ulit niya ‘to sinasabi but these are steady proof that Tatay always knows how to make the most out of everything.


Puro drama man ang buhay ni Tatay, nakaka-proud talaga siya! Sa dami ng pinagdaanan niya, for sure marami tayong wisdom na makukuha sa mga linayahan na madalas niya ibato sa atin. As we manage our budgets and navigate life’s challenges, may we always remember these melodramatic lines as reminders of our dads’ many sacrifices.


Happy Father’s Day!

219 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page