top of page
Writer's pictureLista Admin

What is the credit score of the average Filipino?

Lahat tayo may credit score at mas lalong may pag-asang pataasin ito.


What is the credit score of the average Filipino?

Sa Pilipinas, mahalaga ang credit score para malaman kung gaano ka-creditworthy at kung gaano kadaling makakuha ng loan o credit card. Pero sa kabila ng kahalagahan nito, marami pa rin ang hindi nakakaintindi ng kanilang credit scores, kaya madalas nakakaligtaan nila itong bantayan.


What is the credit score of the average Filipino?

As of August 2024, ayon sa data na ini-report ng CIBI, karamihan ng users sa Lista app ay nasa Very Bad (300-599) range ng credit score. Ibig sabihin, maraming Pilipino ang nasa alanganing sitwasyon pagdating sa kanilang creditworthiness.


Bakit nga ba maraming Filipino ang may mabababang credit scores?


Ilan ang mga ito sa mga posibleng dahilan:


Lack of financial literacy

Ayon sa isang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2019, 71% ng adult Filipinos ay walang access sa mga bangko, let alone bank accounts, which limits their experience with formal financial products like credit cards and loans. Dahil dito, maraming hindi alam kung paano mag-manage ng kanilang utang at credit score.


High debt levels

Maraming Pilipino ang nahihirapan sa pagbabayad ng utang dahil sa mataas na interes ng credit cards at loans. Dagdag pa rito, patuloy silang umaasa sa mga informal lending practices tulad ng “5-6” na mas lalong nagpapahirap din sa pag-manage ng utang dahil sa sobrang taas ng interes nito.


Unstable income sources

Maraming Filipino workers, lalo na ang mga nasa informal sector, ang walang stable na kita. Kapag walang sapat na kita, nahihirapan silang magbayad ng utang on time, na nagreresulta sa mas mababang credit score.


Kaya buti na lang talaga mas madali nang ma-access ang credit scores ngayon, meaning mas may chance ang mga tao na ma-improve ang kanilang financial standing.


Kung isa ka sa mga nagsusumikap pataasin ang kanilang credit score, ito ang mga ilang factors na dapat mong bantayan while you’re in your credit journey:


  1. Credit payment history. Tinitingnan dito kung gaano ka kadalas magbayad ng utang, magkano ang binabayad mo, at kung on time ba ang pagbabayad mo. Kapag consistent kang nagbabayad on time, mas malaki’ng chance na gaganda ang credit score mo.

  2. Amount owed o credit utilization ratio. Sinusukat kung gaano kalaki ang nagamit mo sa available credit mo. Kung madalas mong ma-max out ang credit card, iniisip ng lenders na baka mahirapan kang magbayad ng future loans, kaya bababa ang credit score mo.

  3. Length of credit history. Ito yung average na tagal ng mga credit accounts mo at kung gaano katagal na silang active. Mas matagal ang credit history, mas maganda ang tingin ng lenders.

  4. Type of credit used. Kung iba-iba ang klase ng credit mo—halimbawa, auto loan, mortgage, at credit card—pinapakita nito na kaya mong i-manage ang iba’t ibang uri ng utang nang maayos.

  5. New credit. Tinitingnan kung gaano ka kadalas magbukas ng bagong accounts. Kung madalas kang mag-apply ng bagong credit cards o loans, pwedeng bumaba ang credit score mo dahil mukhang high risk ka para sa lenders.


At the end of the day, ang pag-aalaga sa iyong credit score ay hindi lang tungkol sa pagkuha ng panibagong loans o credit cards — ito ay tungkol din sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa iyo at sa iyong pamilya.


Kapag inalam mo ang bawat factor na nakakaapekto sa iyong credit standing at sinimulan mong gumawa ng mga tamang hakbang para ito ay mapabuti, naglalagay ka ng pundasyon para sa mga future financial opportunities na maaaring dumating sa’yo.


1,152 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page