top of page
Writer's pictureLista Admin

What banks do with your credit report

Sabi nila, banks judge you by your credit score and report, but how?


What banks do with your credit report

Kapag nag-a-apply ka ng loan o credit card, isa sa mga unang tinitingnan ng bangko ay ang iyong credit report.


Pero, ano nga ba ang ginagawa ng mga bangko sa report na ito?


Assessing your creditworthiness

Una sa lahat, ginagamit ng mga bangko ang credit report mo para malaman kung ikaw ba ay good borrower o payer. Tinitingnan nila kung paano ka magbayad ng utang, may na-miss ka bang payment, o kung may mga overdue balances ka.


Setting your loan terms

Ang interest rate ng loan o credit card na ino-offer sa’yo ay naka-base sa credit report mo. Mas maganda ang credit report, mas mababa ang interest rate. Kasi nga, they trust na babayaran mo ang utang mo on time.


Determining credit limits

Ang credit report mo rin ang tinitingnan nila para malaman kung gaano kalaking pera ang pwede nilang ipahiram sa’yo. Kung sinasabing may good standing ka naman sa credit report, malaki ang chance na makakakuha ka ng higher credit limit.


Reviewing existing credit accounts

Kahit may credit card o loan ka na, tinitingnan pa rin ng mga bangko ang credit report mo para i-review mabuti ang mga accounts mo. Kung napansin nilang bumababa ang score mo, possible nilang bawasan ang credit limit mo. Patuloy nilang chine-check ang credit report mo para makita kung consistent ka bang responsible borrower.


 

Improving your credit standing


Para maiwasan ang problema sa pagkuha ng loan o credit card, make sure mo palagi na in good standing ka sa mga bangko. So dapat lang na alagaan mo ang credit report mo. Here’s how you can maintain or improve your credit report:


  • Pay on time. Ang pagiging prompt sa pagbabayad ng utang ay malaking tulong para sa credit score mo.

  • Limit your credit applications. Kung sunud-sunod ang pag-a-apply mo ng credit products, magmumukha kang risky para sa mga bangko.

  • Monitor your credit report regularly. Para updated ka sa status ng finances mo at maiwasan ang mga errors.


Taking care of your credit report is more than just the numbers. Kasi pag nakapag-build ka na ng solid credit history, you open doors to better loan offers, lower interest rates, and higher credit limits. So, mas maganda nang maging tutok ka sa credit report mo (with TransUnion and Lista of course!), make smart financial decisions, and remember — every good habit you build today will reward you tomorrow.


The more you invest in your credit health, the more financial freedom ang mas ma-e-enjoy mo!

1,861 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page