top of page

Wala sa edad yan: Paano mag-ipon at any age


May kasabihan na ang pag-iipon ay dapat nakasanayan na mula kabataan pa lamang. Habang may katotohanan ito, pwede ka pa rin mag-ipon at maghanda para sa kinabukasan kahit anuman ang edad mo. Ika nga nila, it’s never too late to start saving!


Wala sa edad yan dahil ang bawat age group naman ay may kanya-kanyang financial goals. Kaya ili-Lista (no pun intended) namin ang iba’t ibang mga investment types at savings accounts na nababagay sa’yo at sa mga priorities mo sa buhay:


1. 20-25 taong anyos (Early to mid 20s)

Habang tayo’y bata pa, dapat subukan natin na palakihin ang ating savings upang makabuo ng kahit emergency fund man lang. Ang emergency fund ay inilalaan para sa mga hindi inaasahang gastusin o pangyayari tulad ng aksidente at sakit. Kung maaari, binubuo dapat ito ng halos katumbas ng kinikita mo na worth 6-12 months.


May posibilidad na ang emergency fund lamang ay hindi sapat para sa mga biglaang gastusin, kaya maganda rin maghanap ka ng mga private insurance policies. Kahit mas mataas nga ang premiums nila, mas kumpleto naman ang kanilang mga benefits at mas magiging protektado rin ang pamilya mo. Ang ibang insurance companies naman ay nagbebenta ng life insurance, para sa anuman ang mangyayaring hindi inaasahan (e.g. stroke, heart attack, cancer, etc.) Higit sa lahat, matutulungan din natin ang ating mga mahal sa buhay.


Mas maiging nang piliin ang mga high-yield savings accounts panlaban sa inflation. Marami nang nagsilabasang mga digital banks sa bansa reinforced by safety protocols during the pandemic.


2. 26-29 taong anyos (Mid to late 20s)

Sa ganitong edad, marami na sa atin ay kasal na o nagpaplano na magkaroon ng pamilya. Either unti-unti na natin nagagalaw ang ating mga life savings o nag-iimpok na tayo para sa mga mas malalaking puhunan tulad ng bahay, edukasyon ng mga chikiting, at retirement. By this point in your life, meron ka na rin nakatabing emergency fund that will come in handy in case you get financially compromised.


Alternatively, ang mga single peeps at this age naman ay nagkakaroon ng interes sa pagi-invest. Isang halimbawa ng beginner-friendly investment (usually this is low-risk with good returns) ay UITFs, kung saan ipinagsasama ng mga big corporates ang iyong pera kasabay ng ibang mga investors upang ilagay sa iba’t ibang uri ng securities. According to the PNB, low-risk investments such as the aforementioned are usually regulated by the SEC and underwritten by banks.


3. 30-49 taong anyos (30s to 40s)

Ika nga nila, you have more money in your 30s – assuming na stable ka na sa career mo and you know how to handle your finances better than you did in your 20s. Mas ginaganahan ka na rin ma-achieve ang mga goals mo to secure your future. Whether you’re planning for marriage, enrolling your kids to school, retirement, or even getting another degree, ready ka na for bigger commitments.


On the other hand, meron din naman sa atin ang hindi na pinipiling magkaroon ng anak. At dahil wala silang added responsibility, they have more time in their hands to pursue another career or a side hustle for extra income. Kung ikaw ay single o married without children, your 30s to 40s is a great time to put away some money na mapupunta sa gusto mong lifestyle that you will eventually live by in your retirement years.


4. 50-60 taong anyos (Middle ages)

Ginhawa ang naghihintay sa’yo on the other side of the workforce. It may take decades to get there pero worth it naman, especially if you have your finances in order! Kaya nga sa maagang edad ay dapat nasanay na tayo mag-impok at mag budget; our destiny are determined by our decisions.


By the time you reach your 50s, pwede ka na mag resign from your tenure for good to pursue your hobbies and spend time with your loved ones. Siguradong huhugot ka na sa retirement savings mo pero hindi advisable na i-cash out ito to pursue your interests later in life. Tandaan, habang ika’y tumatanda, your money should still be working for you and not the other way around.


Kaya naman ang iba ay hinahayaang mag mature ang kanilang mga investments. So that by they’re in their retirement years, malaki na ang tubo ng iyong mga assets. Pwede mo rin i-adjust ang iyong investment portfolio to avoid risks, like focusing on having conservative assets tulad ng mga bonds at money market funds na ideal para magkaroon ka ng stable and passive income.


Maaari ka rin mag cash out ng malaking halaga from your investments para kumuha ng annuity. An annuity is a type of contract between you and your preferred insurance company that requires the insurer to make payments for you either immediately, every month, or annually over a period of time or until you die.


142 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page