top of page
Writer's pictureLista Admin

Tips para sa di Nakatupad ng “Mag-iipon ako” New Year’s Resolution Last Year


Ang simpleng save more at spend less ay hindi magiging madali sa panahon ngayon kung saan ang paraan ng pag-gastos ay nakukuha nang mas mabilis, mas madali at mas mabisa. Kabi-kabila ang mga promo, sale, buy 1 get 1, personalized ads at kung anu-ano pa. Kung ang lahat ng nakapaligid sayo ay nakapokus sa paggastos, may mga tamang response o interaction sa ganitong klaseng environment.


Ito ang ilan sa practical tips kung paano makakapag-spend less at save more:

  1. Budget together

Isa sa may pinakamataas na impluwensya sa buhay mo ang iyong partner. Nakaugalian nating mga Pilipino na sa babae palagi ang responsibilidad sa pagba-budget ng finances. Ang pagiging open tungkol sa inyong finances ay nakakatakot pero sa kabilang banda ito ay rewarding rin. Kung maiintindihan mo o ng partner mo ang tamang pag-handle ng pera, maiiwasan nito ang alitan at misunderstanding. Sa katunayan, ang financial disagreement ay ang may pinakamataas na dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-partner. Kaya kung nais mong mas maging matibay ang inyong relasyon, ito na ang panahon para pag-usapan nyo rin ang tungkol sa pera.


  1. One goal at a time

Ayon sa pag-aaral, mas epektibo na makapag-pokus ang tao sa single goal kumpara sa multiple goals. Hindi ito nalalayo sa pagmu-multitask sa trabaho. Mas nagiging produktibo ka sa iyong trabaho kung nakapokus ka lang sa isang gawain kaysa nahahati ang iyong atensyon sa iba’t ibang tasks. Kung nais mong ma-improve ang iyong saving strategy, mas mainam na magpokus ka muna sa isang savings goal. Ngunit hindi ito nangangahulugan na mananatili ka lamang sa isang savings goal habang buhay. Mula sa isa, mag-iincrease ang matitipid mong pera dahil ang pokus ng main savings strategy ay makasanayan mong mag-save ng kahit maliit na porsyento bawat buwan galing sa iyong kinita.


  1. Baguhin mo ang iyong online environment

Limitahan mo ang paggamit ng online or delivery services. Mabuting i-redesign ang iyong online environment para sa advantage mo. Kung papansining maigi, mas mahal ang presyo ng mga pagkain kung i-oorder mo ito online kumpara sa dine in price nito. Kung ito ay extreme para sayo, maaari mong i-link ang application sa iyong debit card na may laman na budgeted amount lamang.


  1. Frequency Budget

Bantayan ang dalas ng kain mo sa labas or ang frequency nito. Imbis na mahirapan kang i-monitor ang amount of money na gagamitin mo kada kain sa labas, i-limit mo na lamang ang dalas ng pagkain sa labas, mas madaling magsabi ng “pass” kaysa budget mo ang lumampas.


Mayroon din namang ibang social activity para sa mga katulad mong social human. Maaari kang mag-picnic with friends, magsign-up sa mga gym session, mag-indoor o outdoor sport at marami pang social activity na hindi kailangang gumastos nang malaki pero masasatisfy ang social cravings mo.


  1. Spend money on happiness

Mula sa paglimit at pag-iwas, hinihikayat din kitang bumili ng mga bagay na makakapagpasaya sayo. Lumabas sa pag-aaral na ang paggastos mo para sa iba, para sa experience at para sa mga bagay na nakakatipid sayo ng oras ang tunay na nakakapagpasaya sayo. Maaaring maghanap ka ng tao na pwedeng maglinis ng iyong buong bahay. Sa maliit na pagbabagong ‘to, malaki ang matitipid mong oras. Hindi ka lang nakatipid sa oras, naghatid din ito ng tunay na kasiyahan mo.


  1. Bayaran ang may mas mataas na interes

Kung ikaw ay isa sa mga may utang sa credit card, loan agencies, mga hulugan o kahit sa mga pa-56 ng mga bumbay, icheck alin sa mga pinagkakautangan mo ang may pinakamataas na interest rate. Mas malaki ang matitipid mo kung ipa-priority na bayaran ang mga utang na may matataas na interes kaysa tapusing bayaran ang may mataas na balanse pero mababang interes lamang. Iniiwasan nito na mas lumaki pa ang dapat mong bayaran dulot ng mataas na interes na dumadagdag dito.


  1. Payment date request

Maaari mo ring hilingin sa iyong credit card company na baguhin ang payment date ng mga utang mo. Random date lamang ang payment date na binibigay ng mga credit card companies’ kaya naman isiping mabuti ang mga petsa na may mas marami kang pera o benta. Mula roon, pumili ng payment date na akma para sayo at i-request ito sa iyong credit card company.


  1. Schedule a follow up financial health day

Mahalaga na maglaan ka ng isang araw para magre-organize ng mga finances mo. Mag-commit ka sa napiling araw at gawin itong produktibo hangga’t maaari. Isama na rin ang petsa kung kailan ang mga susunod na financial health day para matimbang alin sa mga plano ang dapat i-improve, baguhin o alisin.


  1. Maglista ng gastos mo. Kahit gaano kaliit ang kita mo, makikita mong marami ka palang excess pag nagsimula kang maglista. I-categorize ang gastos mo para malaman kung aling and napupunta sa wants and needs. Dito mo malalaman na may kakayahan ka palang mag tabi kung magtitiis ka ng kaunti.


  1. Magkaroon ng Savings goal

Mahirap magtabi kung hindi mo alam kung para saan. Simulan ang savings goal mo sa pagalam kung magkano ba ang saktong halaga ng pinag-iipunan mo. May ganitong feature ang Lista app and matutulungan kang totoong magakapag tabi.


Ito na ang chance mo para maisagawa ang mga practical tips na nabanggit. Magiging matagumpay ang spend less at save more sa tamang timing at pagpaplano. Paglaanan ng panahon ang pagdedesisyon lalo sa usaping pera.


173 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page