Know your love’s love language para mas tagos sa puso nila ang gift mo, ayiiieee~
Kapag Pasko, hindi lang sa presyo ng regalo nasusukat ang pagmamahal. Minsan, yung thought at effort na nilagay mo ang mas nagpapasaya sa minamahal mo. Kaya kung gusto mong mag-extra effort sa gifts this Christmas, let’s look at your partner’s love language!
What are love languages?
Ang love languages ay isang konsepto mula sa libro ni Dr. Gary Chapman na The 5 Love Languages. Sinasabi nito na may 5 pangunahing paraan kung paano ine-express at nararamdaman ng tao ang love. Aniya, ang bawat tao ay may “primary love language,” o yung paraan na pinakabagay sa kanilang personalidad at emotional needs. ‘Pag alam mo ang love language ng isang tao, mas madali kang makakapagpakita ng pagmamahal sa paraang tunay nilang maa-appreciate.
Kung alam mo ang love language ng mahal mo, congrats! You’re already a step ahead in your gift-giving efforts! If not, then baka magkaroon ka ng idea tungkol sa kung anong pwede mong iregalo this Christmas, according to your partner’s love language that resonates the most:
Words of affirmation. Kung mahilig silang makarinig ng mga sweet o uplifting words, sulatan mo sila ng heartfelt letter o personalized Christmas card. Pwede rin books if they like to read with a matching Spotify playlist (of their favorite songs) that can go with it. Simple, pero siguradong matatandaan nila.
Acts of service. Para sa mga taong mas naa-appreciate ang effort, bigyan mo sila ng “coupon” para sa isang task — ikaw ang magluluto, maghuhugas ng pinggan, o mag-aalaga ng bata for a day. But if you really want to go the extra mile, make some serious date plans like a table reservation at a fancy restaurant. Make them feel special with your planning abilities — all they have to do is look pretty or handsome for you.
Receiving gifts. Kung ang love language nila ay gifts, then eto na ang moment mo to go full senti. Whether you’re going for something expensive or affordable, it’s really the thought that counts. Pwedeng small but meaningful items tulad ng jewelry, may it be a ring, necklace, or matching bracelets. Or maybe just give them a gift they asked for because fulfilling their wishes is a great way to show that you pay attention!
Quality time. Mas naa-appreciate ng mga taong ito ang oras kaysa sa material na bagay because they are all about making new memories! So why not give them tickets to that concert they’ve always wanted to go to? Pwede rin magplano kayo ng activity or experience date na mae-enjoy niyo together, like a skydiving adventure, overseas travel, or a cabin in the mountains.
Physical touch. For people with this love language, comfort is the key. So think of cozy blankets, weighted pillows, or a well-deserved massage. But you can always start small, like bigyan mo sila ng scented candles or a complete line of skincare products they’d love to be wrapped in. In this way, mas magiging irresistible sa’yo ang partner mo that you can’t help but stay close to each other!
Again, ang tunay na halaga ng pagreregalo ay hindi nasusukat sa presyo o laki nito.
Action and thoughtfulness are the keys to the heart! Kaya ngayong Pasko, maglaan ka ng extra time and effort in choosing the perfect gift for your love to show them how much you truly care 🎄
Comentarios