top of page
Writer's pictureLista Admin

Tips for a healthy credit score ngayong holidays

‘Pag nalalapit na ang Pasko, hindi lang shopping list ang humahaba—pati ang gastos!


Tips for a healthy credit score this holidays

Ang holidays ang pinaka-peak season for shopping, meaning marami sa atin ang feeling milyonaryo dahil sunud-sunod lang ang sahod, plus may 13th month pay ka pa. Pero dahil ‘di na natin namamalayan ang dami ng gastos, may epekto na pala ito sa mga credit scores natin, no matter how great our purchasing power is.


Kaya kung gusto mong panatilihing healthy ang finances mo ngayong holidays (at para na rin sa Bagong Taon), here are some simple tips para makaiwas sa overspending at credit stress:


Plan your holiday spending

Mag-set ng budget bago pa dumating ang 13th month pay o Christmas bonus. Kasi sa dami ng holiday sales at promos, nakaka-tempt mag-overspend! By sticking to a budget, makokontrol mo ang gastos at masisiguradong hindi maaapektuhan ang credit score mo.


Use your credit cards responsibly

Kung gagamit ka ng credit card, ingat sa pag-swipe! Subukan mong gamitin ito sa mga items na kaya mong bayaran agad. In short, only spend within your means. Tandaan, kapag mataas ang utilization rate (meaning pag paubos na ang credit limit mo), that’s a red flag for credit bureaus.


Iwasan ang late payments

Sa dami ng ganap ngayong holidays, madaling makaligtaan ang due dates. Pero importante umiwas sa late payments dahil mataas ang interest fees — ‘pag pinatagal mo ‘to, mas lalong makakasira ito sa credit score mo. Kaya mas maiging mag-set ng reminders o mag-schedule ng automatic payments para sure na wala kang malilimutan na bills.


Kontrolin ang pag-apply sa bagong credit cards o loans

Maraming tempting offers for new credit cards or loans ngayong Pasko, BUT BE CAREFUL! Credit bureaus are aware. Kada application mo ay recorded, at kapag nakita nilang sunud-sunod ang applications mo, pwede kang magmukhang risky borrower, which can hurt your score.


 

So before you dive into holiday spending, check your credit score first. Big spending, such as Christmas shopping sprees, greatly impacts your finances. ‘Wag mong simulan ang bagong taon nang lubog ka sa utang!


With a little planning and discipline, kaya mong mag-manage ng gastos without sacrificing your credit score. Happy holidays, and remember to always spend wisely.

753 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page