top of page

Mahal ba magpaka-healthy?

Mahal ba magpaka-healthy?

“Parang ang expensive naman ata magpaka-healthy sa Pinas,” said probably by every hardworking, burnt out Filipino ever.


Well, mahal talaga kung sa supermarket o mall ka mamimili ng mga gulay at iba pang fresh produce. O kaya naman kung sa high-end gym ka kukuha ng membership. Pero kung magiging resourceful at masipag tayong maghanap ng cheaper alternatives, we can move forward with a healthier lifestyle nang hindi sinasakripisyo ang ating budget.


Totoo, may mga bagay talagang mukhang mahal, pero may mga paraan din para maging healthy tayo nang hindi masyadong gumagastos:


Get fresh produce from the palengke 

Medyo may kamahalan ang ilang health food products sa supermarket, lalo na kung imported. Pero maraming local options sa palengke na mas mura at masustansya tulad ng malunggay, kamote, at repolyo na hindi lang packed with nutrients kundi abot-kaya rin.


Be creative and practical with your workouts

Hindi naman kailangang mag-enroll sa mamahaling gym para makapag-exercise. Pwede kang mag-jogging sa park, mag-bike in your vicinity, o mag-yoga sa bahay with YouTube videos.


Spend quality time with friends and family

Mental health is also crucial. May mga libreng resources online tulad ng free meditation apps at counseling hotlines. Talking to friends and family can also greatly improve your mental well-being.


Invest in healthcare

Check-ups and medicine can be costly, pero may mga health centers and public hospitals that offer free services o discounted rates. Pwede ka rin mag-avail ng prepaid health cards that are good for 1 year of unlimited use na widely accepted naman in most hospitals and clinics near you.


Basta may diskarte ka, kayang-kaya mo maging healthy without spending a fortune! And like everything else in life, consistency is key to maintaining good health, no matter what your budget is. Health is already wealth itself.


So stick to your routine — for sure makakatulong ‘to sa pag-achieve mo ng long-term health benefits and prevents expensive health problems in the future.

110 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page