top of page
Jirei Lazaga

Eligible ka ba sa Pag-IBIG MP2 Savings Program?

Updated: Mar 11, 2022


Maraming binago ang pandemyang ito sa bawat isa, kasama doon ay kung paano natin dapat gastusin at i-save ang mga kinita natin. Isa ka rin ba sa mga naghahanap ng paraan upang hindi masayang kundi lumago pa ang mga hard-earned money na mayroon ka ngayon?


Isa sa mga savings program na mainit ngayon sa mga Pilipino ay ang voluntary savings program hatid ng Pag-IBIG. Ang Pag-IBIG MP2 savings program ay maituturing na passive income dahil hindi magiging stagnant ang pera mo rito kundi kikita pa ito.


Pwede ba ako sa Pag-IBIG MP2 Savings program?

Kung active member ka o former member with at least 24 months contribution bago ang iyong retirement, qualified kang mag-open ng MP2 savings account. Ginawa ito para sa mga katulad mo na nais pang madagdagan ang kanyang ipon bukod sa regular na Pag-IBIG savings na hinuhulog.


Narito ang ilan sa mga basic information tungkol sa MP2 Savings na makatutulong sayo para ma-consider mong mag-invest sa programang ito.


Affordable investment

Mula sa halagang 500 pesos, pwede ka ng mag-invest sa MP2 savings. Maaari kang magbayad ng monthly contribution mo gamit ang GCash, PayMaya o Debit/Credit card. Wala itong maximum limit pero kinakailangan ng personal/manager's check para sa mga one-time payment na lalagpas sa 500,000 pesos.


Government-guaranteed savings

Siguradong hindi mawawala ang mga investment na ihuhulog mo rito dahil back-up ito ng gobyerno.


Five-year maturity period

Magma-mature ang MP2 savings mo sa loob ng limang taon kung saan maaari mong i-withdraw ang naipong pera kasama ang interest nito. Maituturing ideal ito para sa mga medium term investment. Kahit pa ang MP2 savings ay may five-year maturity, may option ka pa rin na i-withdraw ito anytime.


High annual interest rate and tax-free dividends

Maaari kang kumita sa MP2 savings hanggang 8% per year kumpara sa kayang ibigay ng mga savings account na aabot lamang hanggang 1% kada taon. Tax-free mo pa itong matatanggap matapos ang limang taon o kada taon.


Easy Account Opening

Kailangan mo lang i-fill out ang MP2 Savings registration form at automatic kang mae-enroll dito. May dalawang paraan upang makapag-enroll ka sa Pag-IBIG MP2 savings program. Ang unang paraan ay ang manual enrollment o in-person, ikaw ay pupunta sa pinakamalapit na Pag-IBIG branch para mag-fill out ng registration form kasabay ang pag-submit nito.


Ikalawang paraan ay ang online enrollment kung saan kailangan mong bisitahin ang Pag-IBIG website para sa MP2 enrollment program. Ito ay makikita sa www.pagibigfundservices.com/MP2Enrollment, gamit ang iyong Pag-IBIG number, buong pangalan at petsa ng kapanganakan, maaari kang mag-register online. Kasabay nito, ang pagpili mo sa iyong desired monthly contribution at mode of payment. Pagkatapos mong makumpleto ang MP2 enrollment form, ibibigay nito ang 12-digit MP2 account number mo para makumpira na enroll ka na sa programang ito.


Multiple MP2 Savings account

Bukas ang Pag-IBIG kung nais mong magkaroon o mag-open pa ng higit sa isang MP2 account. Epektibo ito kung gusto mong mag-save para sa iba't ibang goals, tulad ng for emergencies, educational fund, retirement at marami pang iba.



Ang MP2 savings program ay isang magandang paraan upang makamit mo ang mga financial goals sa buhay. Ito rin ay epektibong investment dahil ang iyong hard-earned money ang syang magta-trabaho para sa’yo.








Ang layunin ng Lista ay tulungan ang bawat Pilipino na itaas ang kalidad ng kanilang buhay one step at a time. Gamit ang libreng Lista App, maari nang ilista and mga pumapasok at lumalabas na pera upang ma-budget ito ng tama. Maari ding gamitin ang Lista upang maningil ng utang at gumawa ng invoice.


I-download ang lista app dito: https://listaph.page.link/website-blog-mp2

6,744 views0 comments

Comments


bottom of page