top of page
Writer's pictureLista Admin

Civil Engineer to Mompreneur: Tuloy pa rin ang Pagtupad ng Pangarap

Updated: May 18, 2022

Sa panahon ngayon, mas marami sa atin ang hindi tugma ang kursong kinuha sa kolehiyo sa kasalukuyang trabaho. Madalas, dahil ito sa kakulangan ng job opportunities sa Pilipinas. Pero minsan naman ay nagkakaron ng malaking pagbabago sa ating mga personal na buhay.


Ganito ang nangyari kay Jocelyn Cuevas noong siya ay naging first-time mom.

I am a Civil Engineer by profession. I decided to sacrifice my career so I can focus on my baby,” ika ni proud Mommy Jocelyn.


Dahil nakasanayan niya na maging independent at kumikita ng kanyang sariling pera, sinimulan niyang magnegosyo pagkatapos nilang magpakasal ng kanyang mister. “Ang mindset ko kasi, ayoko i-asa lahat sa kanya,” sabi ni Jocelyn.

Nagsimula siya sa Travel Agency at Construction Business noong 2019. Ngunit dahil sa pandemya ay naapektuhan ang dalawa niyang negosyo. Kaya naman dito siya nagdesisyon na pasukin ang online business.


Bilang bagong mommy din siya, naisipan niyang magbenta ng baby clothes at itinatag ang Brianna’s Baby Clothing. Ang online shop na ito ay nagbebenta ng mga eco-friendly baby products, partikular ang cloth diapers.


I am a cloth diapering advocate. Aside from the fact that using cloth diapers really save a lot of money, it’s less garbage and it helps prevent diaper rashes,” ibinahagi ni Jocelyn. “Dahil din dun kaya ko naisip gawing business para rin i-share sa ibang mga mommies na ang laking tipid kapag gumamit ka nito.”


Nagdesisyon siyang mag-resell muna sa Whimsy Filly, isang local manufacturer ng affordable cloth diapers. Hindi nagtagal ay naging main distributor na si Jocelyn nito.


Malaki ang naitulong ng pagtaguyod ni Jocelyn ng kanyang online business sa kanyang pagiging independent. “Nagiging busy din ako habang naka-focus sa pag-aalaga ng baby ko, lalo ngayon na I am currently pregnant with my second child. Thank you, Lord at nag-boom din ang business ko na ito.”


Si Jocelyn ay isang perpektong halimbawa na hindi kailangan itigil ang iyong mga pangarap kapag ikaw ay naging isang ina. Sa katunayan, maaari pa itong maging rason upang matupad ang mga ito. Maaari kang makaramdam ng fulfillment dahil tinatahak mo pa rin ang gusto mong mangyari sa iyong buhay habang nagagampanan ang pagiging isang dakilang ina.


Sa mga natatakot magsimula, unti unting aralin ang business na gustong itayo. Madaming business tools katulad ng Lista App na tutulong sa inyo na maintindihan ang inyong business. Maarai kayong maglista ng puhunan, gastos at kita araw araw para manonitor ng maayos ang inyong negosyo.



Para suportahan ang online business ni Joceyln, maaaring bisitahin ang kanyang Facebook page o Shopee page.


84 views1 comment

1 Comment


tominabaro
May 19, 2022

Tnx

Like
bottom of page