top of page
Writer's pictureLista Admin

Bakit Mahirap Maningil ng Utang?

Updated: Aug 3, 2021




Nagmagandang loob ka na nga at nagpautang sa kilala mo pero ngayon ay nahihirapan kang maningil ng bayad. Bakit ganoon, ikaw na ang nagkawanggawa, ikaw pa ang agrabyado? Kung gusto mo na talagang makuha ang perang pinaghirapan mo, alamin ang puno’t dulo kung bakit hindi mo siya masingil. Ito ang limang karaniwang rason bakit mahirap maningil ng utang.


1. Nahihiya Kang Maningil sa Tao


Number one reason kung bakit di ka makasingil ng utang kasi hindi mo alam kung paano maningil. Ikaw pa ang nahihiya sa nangutang sayo. Ang saklap nga naman talaga kasi ikaw na ang nawalan ng pera, ikaw pa ang hirap magsalita. Samantalang kitang-kita mo na ang nangutang sayo ay happy-go-lucky lang. Kung gusto mo mabalik sayo ang kwarta mo, lakasan mo ang loob mo. Ipaalala mo sa sarili mo na siya ang dapat mahiya sayo. Wag ka magdalawang isip na:

  • Tumawag

  • Puntahan siya sa bahay

  • Mag-text

  • Kausapin ang magulang o asawa niya


2. Nakalimutan Mo Na May Umutang Sayo


Possibleng dahilan din na sa tagal nang may utang sayo ng tao, nakalimutan mo na. Maari rin nalito ka na sa tamang amount ng hinuhulugan niya sayo. Para maiwasan ang maling kompyutasyon, gumamit ng accounting app. Bukod sa paglilista ng kita at gastos, may mga reminder ang app sa text mo mismo para ipaalala sayo na maningil ka na. Kung di mo gawaing maglista, simulan mo na. Kasi kung hindi mo gagawin ang pagtatalang iyan, aba ay ikaw ang mauubusan ng pera. Ang pait naman noon kung ikaw pa ang uutang sa iba kasi kulang na ang pera mo. Para sa iyong proteksyon, gumawa ng kontrata sa lahat ng uutang sa iyo para may pruweba ka.


3. Natatakot Kang Masira Ang Relasyon


Dahil sadya kang mabuting tao, maaaring natatakot kang maningil kasi baka masira ang relasyon mo sa nangutang. Mabait ka kasi kaya pinapahalagahan mo ang pagsasama ninyo. Natatakot ka na baka magalit pag kinulit mo tungkol sa pera. Pero ang tanong dito ay ganun din ba ang feelings ng nangutang sayo? Kung ang sagot ay hindi, aba oras na para mangulit ka nang maibalik ang pera mo. Hindi siya dapat magalit sa iyo dahil pera yun na pinaghirapan mo.


4. Naawa Ka sa Nangutang


Kapag naningil ka na at hindi ka nabayaran, mabilis lang sabihin na: “Sige, next time na nga lang!” Ang resulta: ikaw naman ang gipit pero ikaw pa rin ang atrasado kapag kaharap mo ang nangutang. Maaring umiral ang awa kasi walang pambayad ang nangutang. Maraming dahilan tulad ng:

  • May sakit ang nanay

  • Gipit sa tuition

  • May aksidente

  • Nawalang ng trabaho


Maawa ka rin sa sarili mo. Wag ka na maniwala sa kung anu-anong pekeng excuse. Kasi kung gusto kang bayaran, may paraan. Pero if ayaw, maraming dahilan.


5. Tinataguan Ka ng Nangutang


Higit sa lahat, nahihirapan ka maningil ng utang kasi nag-ninja moves or nag-disappearing act ang nangutang sayo. Maaring ito ang ginawa niya:

  • Lumipat ng bahay

  • Nag-block sa email at cellphone

  • Ayaw magpakita sayo


Sa ganitong sitwasyon, kahit masinop ka sa pera at paniningil ay wala ka talagang magagawa. May mga taong sadyang abusado at makapal ang mukha. Sila yung mga hindi na hihiya kaya “sorry” na lang ang pambayad nila. Masakit marinig, pero iyon ang katotohanan. Kaya dapat magtanda ka na. Iwasan magpautang dahil kapag ginawa mo iyong, dapat handa ka rin tanggapin na maaring d mo na makita ang pera.


954 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page