top of page

Affordable insurance na below ₱300 kada taon ang hulog para sa mga tight ang budget


Mahalaga ang maging sigurista lalo na sa kalusugan at kaligtasan ng ating pamilya. Maliban sa pagsunod ng mga health protocols ngayong panahon ng pandemya, dapat meron din tayong karagdagang layer of protection para tayo ay handa sa mga hindi inaasahang aksidente o sakuna.





Ang dagdag na proteksyon sa iyong pamilya ay maaari mong makuha sa insurance. Taliwas sa paniniwala ng marami, ang insurance ay hindi lamang para sa mga mayayaman. Sa katunayan, maraming super affordable insurance na nakakapagbigay ng sapat na proteksyon na swak na swak sa budget. Isang halimbawa nito ay ang personal accident insurance.


Ano nga ba ang personal accident insurance? Ito ay isang klase ng insurance na pinroprotektahan ang isang indibidwal laban sa mga hindi inaasahan at hindi sinasadyang pinsala o aksidente. Nakakatulong ito sa mga tustusing medikal at maaari kang magkaron ng lump sum na cash benefit kung sakali man magkaroon ng permanenteng kapansanan o di kaya ay pumanaw ang may-ari ng insurance policy dahil sa aksidente.


Narito ang ilan sa mga murang personal accident insurance na pwedeng mong kuhanin para sa’yo at sa iyong pamilya.


1. Sun Life Personal Accident Armor – sa halagang 60 pesos, protektado ang insurance policyholder sa loob ng isang taon. Ang benepisyaryo ay makakatanggap ng cash payout na 50,000 pesos kung sakali man ang policyholder ay magkaroon ng accidental dismemberment, death, at loss of sight. Maaari kang kumuha ng dalawang Sun Life Personal Accident Armor para magkaroon ka ng maximum coverage na 100,000 pesos. Maliban dito ay meron din silang Family Armor, kung saan pwedeng mainsure ang buong pamilya ng isang taon sa halagang 200 pesos lamang.


Ang mga produktong ito ay maaari mong mabili sa Lazada shop ng Sun Life.


2. PRUPersonal Accident Plan – ang insurance policyholder ay protektado nang isang taon sa halagang 271.55 pesos. Maliban sa lump sum benefit na 100,000 pesos kung sakali ang policyholder ay magkaroon ng accidental disablement, permanent disability, at death, ay magkakaron rin ng 5,000 pesos na burial benefit at 100,000 pesos in case of murder at assault ang benepisyaryo. Mayroon din silang personal accident insurance na para sa mga bata.


Ang mga produktong ito ay maaari mong mabili sa Pulse mobile app ng PRU Life U.K. o di kaya sa website nila.


3. Cebuana Lhullier personal accident insurance products – ang Cebuana ay maraming ka-partner na mga insurance companies na nag-o-offer din ng affordable na personal accident insurance.

· CL Personal Accident Basic (in partnership with Malayan Insurance Company) – sa halagang 10 pesos, ang policyholder ay magiging insured nang hanggang 10,000 pesos kung sakali man siya ay magkaroon ng accidental dismemberment and/or disablement, and death. Ang coverage period nito ay isang buwan lamang at pwede mo ito mabili sa GCash application.


· Cebuana Lhullier ProtectMax (in partnership with Pioneer Insurance Company) – sa halagang 50 pesos, ang policyholder ay magkakaroon ng benepisyo na 20,000 pesos kung sakali mang magkaroon siya ng accidental dismemberment and/or disablement. Higit pa rito ay may mayroon din itong 25,000 pesos na accidental death benefit. Kung sakali man na ang insured ay pumanaw dahil sa sakit o old age, o di kaya dahil sa murder o assault, may benepisyo din siyang matatanggap na 5,000 pesos. Meron din itong 5,000 pesos na fire/lightning cash assistance at 1,000 pesos na accident o sickness emergency cash assistance. Ang coverage period nito ay apat na buwan at pwede mo ito mabili sa website ng Pioneer.


Sabi nga nila, lalo sa panahon ngayon, “it pays to be prepared.” Pero ang kaligtasan, seguridad, at peace of mind ay hindi kailangan masakit sa bulsa.



----

Ang layunin ng Lista ay tulungan ang bawat Pilipino na itaas ang kalidad ng kanilang buhay one step at a time. Gamit ang libreng Lista App, maari nang ilista and mga pumapasok at lumalabas na pera upang ma-budget ito ng tama. Maari ding gamitin ang Lista upang maningil ng utang at gumawa ng invoice.


I-download ang lista app dito: https://listaph.page.link/website-blog-insurance



496 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page