Ayon sa motivational speaker at wealth coach na si Chinkee Tan, mas mabuti na’ng umiwas tayo sa mga taong hindi marunong magbayad ng utang. Dagdag pa niya, kahit kaibigan o kakilala man natin sila, at least hindi nawala ang ating pinaghirapan.
‘Di maitatanggi na tayo’y nakaka-relate dahil matagal-tagal na rin natin naririnig ang kasabihang ito tungkol sa pagpapautang. Sa karagdagan, masusukat daw natin ang tunay na pagkatao ng ating mga kaibigan o kamag-anak kapag oras na ng singilan.
Tatlo lang naman ang maaaring mangyari kapag nasa mismong sitwasyon ka na:
Babayaran ka nila ng buo o hulugan, depende sa inyong napag-usapan
Binaon na sa limot ang kanilang utang at bigla na lang maglalaho
Magtatampo nang pagalit at isusumbat sa’yo ang halaga ng pinagsamahan niyo
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi natin maiiwasan tanungin ang ating mga sarili, “Pera o relasyon?” Diin pa ni Tan, “Kapag nagpautang ka dapat handa kang mawalan ng pera AT kaibigan.”
Sa article na ito, pag-uusapan natin ang apat na utang realizations na maaari nating isabuhay throughout our financial journey:
Magpautang lamang kung ikaw ay may extra.
Ang rule of thumb ng mga finance and wealth experts ay “magpahiram” lamang ng halaga na kaya mo naman kitain ulit in a short amount of time. Kumbaga, “regalo” mo na lang sa kanila ang perang inutang sa’yo, regardless of who it is – acquaintance, kaibigan, o kamag-anak. Apply this principle for future lending para iwas anxiety at mas madali kang makakapag-set ng boundaries.
2. Maging direct to the point.
Hindi confrontational ang mga Pilipino by nature. Ayon kay Vince Rapisura, isang guro sa Ateneo de Manila University at ang host ng Usapang Pera podcast, responsibilidad ng nagpapautang na kumilatis ng taong kanyang pauutangin.
“Tayo ang nag-a-approve ng loan. Dapat marunong tayo mangilatis. Huwag na natin ibaon pa sa utang ang pinauutangan na may utang na sa iba,” sabi ni Rapisura sa Episode 51 ng nasabing podcast.
Dagdag pa niya, “Kung alam mong marami na siyang utang, huwag mo nang gatungan.”
3. Mag-suggest ng repayment plan.
Kung sakaling kapos talaga sa pera ang iyong pinautangan, maaari kang mag-propose ng repayment plan na kaya ng budget niya.
Halimbawa, kung may kaibigan ka na nanghiram sa’yo ng ₱12,000, maaari mo i-suggest na gawin na lang hulugan ang frequency of payment nang siya’y makaluwag-luwag (at para hindi ka nagmumukhang nanggigipit).
Either magbibigay siya ng ₱1,000 kada buwan o ₱500 kada kinsenas o katapusan ng buwan sa loob ng isang taon. Maaari mo rin i-record ang bawat transaction for transparency and accountability gamit ang mga free digital bookkeeping apps tulad ng Lista.
4. Magbigay na lang ng tulong… hangga’t kaya.
Walang masama sa pagiging maaawain. Hindi sa lahat ng panahon ay umaangat tayo sa buhay kaya naman dapat ugaliin natin maging mahabagin at maunawain sa ating kapwa. Try putting yourself in their shoes. Tandaan, iba-iba tayo ng pinanggalingan in terms of income background and environment.
“Imbes na tayo’y magpautang, magbigay na lang tayo ng tulong. Kahit hindi na isoli ang inutang, eh hindi na masisira ang pagkakaibigan o pagkakamag-anak,” hirit ni Tan sa isang video na kabilang sa kanyang YouTube series na Chink Positive.
Pero dapat maging self-aware tayo na may hangganan ang pasensya at pagiging mabait dahil maaari itong mapagsamantalahan.
At the end of the day, parte na ng buhay ang pagpapautang. Ang katotohanan ay sadyang kasama sa experience ang mawalan ng pera, masira ang pinagsamahan, at masaktan kung ang pagpapautang ay mauuwi lamang sa kawalan ng tiwala.
Comments