top of page

Mga Negosyong Hindi Kailangan ng Malaking Puhunan

Isa ka ba sa maraming Pilipino na naghahanap ng extra income o nagiisip na iwan ang iyong trabaho para magnegosyo? Naglista kami ng ilang negosyo na di kailangan ng malaking panimula.



Online Ukay-ukay Store

Patok ang ukay-ukay business sa mga Pilipino kasi mura ang mga damit at maganda pa. Bukod pa roon, maraming suki ng ukay-ukay, kasi there are many charming pieces na talaga namang sulit. Masaya rin mang-ukay ng bulto-bulto ng damit. Para kang naghahanap ng treasure. Para sa ibang tao, libangan at challenge ang paghahanap ng mga ukay fashion finds. Kasama na rin dito sa bargain hunting at walang katapusang “tawad” kaya dapat maging handa ka na may maayos na markup para malaki rin ang iyong maging kita.

Salamat sa social media gaya ng Instagram at Facebook, pati na rin sa mga shopping apps tulad ng Lazada at Shopee, madali nang magsimula ng negosyo. Siguraduhin lamang na mag-offer ng kalidad at kakaibang produkto. Bukod pa roon, mag-offer ng online payment para maging madali ang bawat transaction.


Pag-Retail ng Bigas

Hindi kailangan ng limpak-limpak na salapi para makapag benta ng bigas. Ang priority ay isang mataong lokasyon. Kung ang bahay mo ay tabi ng karsada, malaking bagay yon. Pwede ka rin mag-offer ng delivery para mas maging convenient sa iyong mga customers. Masmaganda ang kita kung didirecho ka sa mga farmers na nagbebenta ng palay at ikaw ang magpapakiskis.


Locality Specialty Stores

Maraming Pilipino ang takot pa din mag-travel, kaya naman patok ang negosyo na magdadala sa kanila ng mga pagkaing matatagpuan sa mga probinsya. Maraming nagtitinda sa Facebook Marketplace - ipunin mo lang lahat at gumawa ng page na nagbebenta ng mga pagkain sa ibat-ibang lugar. Bihira ang gumagawa nito kaya malaki ang potensyal. Kailangan mo lang na magaling ka mag-picture ng mga ito. Makakatulong ang mga social media groups para makahanap ka ng buyers.


Home Baking

Kung ikaw ay mahilig mag-bake, oras na para pagkakitaan ang iyong hobby. Magiging madali at masaya ang negosyong ito para sayo lalo na kung passion mong gumawa ng mga cake, cupcakes, cookies, at mga tinapay. D kailangan ng malaking puhunan para masimulan ang ganitong negosyo. Kailangan mo lamang nang mga ito:

  • Oven

  • Baking trays

  • Oven mitts

  • Mixer

  • Measuring cups

  • Ingredients

Madaling paikutin ang pera kapag nagsimula ka nang magbenta. Siguraduhin lamang na meron kang nakalistan marketing plan para maging mabenta ang iyong bake goodies. Pwede ka rin maki-tie up sa mga caterer para garantisadong laging may kliyente.


Print Shop

Mura lamang ang disenteng printer pati mga ink at supplies. Pwede mo itong gawin kahit sa sarili mong bahay. Kaya naman maganda itong business kasi laging may okasyon na kailangan ng tarpaulin, posters, flyers, business cards, and kung anu-ano pa. Mula birthday party invitation hanggang wedding souvenirs, pwede kang mag print. Siguraduhin lamang na maayos ang iyong pakikitungo sa customer para lagi ka nilang balik-balikan.


Photography Service

Kung ikaw ay may angking talento sa pagkuha ng mga larawan, maganda and murang business idea ang isang mumunting photography company. Camera lamang ang puhunan at iyong skills. Hindi nawawalan ng gig ang mga photographer dahil laging may event tulad ng:

  • Birthday

  • Anniversary

  • Wedding

  • Prenup

  • Family photos

  • Business shoots

  • Marketing materials

  • Graduation

  • Baptism

Maraming events talaga sa buhay ng tao kaya malawak ang iyong options. Para maging matagumpay, make connections with party planners, event stylists, party suppliers, pati na rin mga videographers. Maraming ring groups sa Facebook kung saan pwede ka makakuha ng kliyente.


Sana ang listahang na ito ay nakatulong sa inyo para makamit ang iyong pangarap na maging business owner. Alalahanin, hindi mo kailangan maging milyonaryo para maging entrepreneur. Maraming negosyo na maliit ang puhunan. Sabayan lamang ito ng proper planning, tamang mentorship, at tamang pakikitungo sa mga customers. Higit sa lahat, dapat maging masipag at matiyaga para makakamit mo ang tagumpay. Wala naman kasing shortcut sa success.




Ang layunin ng Lista ay tulungan ang bawat Pilipino na itaas ang kalidad ng kanilang buhay one step at a time. Gamit ang libreng Lista App, maari nang ilista and mga pumapasok at lumalabas na pera upang ma-budget ito ng tama. Maari ding gamitin ang Lista upang maningil ng utang at gumawa ng invoice.


I-download ang lista app dito: https://listaph.page.link/website-blog-puhunan


7,984 views5 comments

5 Comments


cordovansarah6
cordovansarah6
Apr 13, 2023

Akala ko po Lista makakagamit na ako ng Loan nyo para po sa isang maliit nastore Hindi pa po pala HAY ....

Like

Sarah Borromeo
Sarah Borromeo
Feb 01, 2023

Salamat po lista kahit po sa lista lng ramdam ko nakakaipon ako


Like

lorainealcorintubz
Jun 02, 2022

Thank you Lista sobrang masaya ako nkilala kita

Like

Thank you for sharing 😊 I hope na magamit ko talaga ng matagal ang Lista

Like

lucena.vanessa24
Mar 04, 2022

Thanks for Sharing Lista! I encourage to start a new business

Like
bottom of page