top of page
Writer's pictureLista Admin

Mahal Ba Magkaanak? Let’s Talk About It


Habang tumatagal ang panahon, nagbabago ang mga prioridad sa buhay ng isang indibidwal. Mas lalo ngayon kung saan nagiging mas open minded tayo tungkol sa mga bagay-bagay, tulad na lang ng mga desisyon natin sa pagkakaroon ng anak.

Iba na ang takbo ng buhay ngayon kumpara sa nakaraan, kung saan karaniwan bumuo ng pamilya kapag ika’y nasa “tamang edad” na, regardless of your financial situation.


Uunahan na namin kayo: mahal magpalaki ng bata. Hindi nakapagtataka na mas pinipili ng mga millennials at Gen-Z na ipagpaliban muna ang pagkakaroon ng pamilya sa mga kadahilanan tulad ng:

  1. Hindi pa sila financially stable

  2. Dumaraming oportunidad na pang-propesyunal, lalo na sa mga kababaihan

  3. Lumalalang sitwasyon ukol sa climate change

  4. Wala sa mga plano nila ang magkaanak

  5. Mas gugustuhin nilang mag-alaga na lang ng hayop

Ayon sa isang report ng Picodi.com, isang banyagang e-commerce platform, aabutin ng P108,300 worth of living expenses sa unang taon pa lamang ang pangangailangan ng isang bagong silang na sanggol. Idiniin din ng Picodi na ang halagang ito ay ang “basic kit” version lang para sa mga bagong magulang na may average o below average na income.

Kung ikaw naman ay nakaluwag-luwag na, mas bagay sa’yo ang “expanded kit” kung saan humigit-kumulang P157,600 ang kailangan mo para sa iyong bata.


Covered na ng mga budget na ito ang mga necessities ni baby tulad ng baby bottles, baby care products, gatas na formula, diapers, at medical. ‘Di natin dapat ipagkaila na magastos ang paghahanda ng pagkakaroon ng pamilya kapag dumating na ang bata.


Average income ng mga magulang

Ngunit iba ang realidad ng mga bago at magiging magulang pa lamang sa ekonomiyang meron tayo ngayon. Sabi ng Numbeo, ang karaniwang pribadong empleyado ay kumikita ng net P15,200 kada buwan – ang pinakamababang sahod na naitala ng survey na sinampolan ng iba pang 109 na bansa kasama ang Australia, Singapore, India, at United States.

Ano’ng ibig sabihin nito?


Ipagpalagay natin na ang ama lang ng bata ang nagtatrabaho para sa pamilya. Kailangan niya kumayod ng 7-8 buwan para masustentuhan niya ang mga basic necessities ni baby. Hindi pa kasama sa budget ang living expenses, emergency funds, at ang mga pangangailangan nilang mag-asawa o mag-partner.


On the flip side, more budgeting opportunities will open up for the couple naman kung pareho silang may trabaho. Dahil kadalasan ang ina ay may pribiliheyong mabigyan ng paid maternity leave ng 105 araw o halos 4 na buwan mula sa araw ng pagkapanganak.


Epekto ng presensya ng isang ina

Ideally, bukod pa sa kalidad ng pagsusustento ng basic needs ni baby, kritikal din ang pisikal na presensya ng ina sa mga unang buwan hanggang sa unang tatlong taon ng bata.


Ayon kay Dr. Erica Komisar, isang kilalang psychoanalyst at writer ng librong Being There, “A mother’s emotional and physical presence in the first years of her child’s life have monumental impact on a child’s ability to grow up emotionally healthy, happy, secure, and resilient.” (Ang pag-aalaga at presensya ng isang ina sa mga unang taon ng kanyang anak ay importante sa kanilang buong pagkatao – mapapisikal, emosyonal, itelektwal, o sa pansariling lakas ng loob – habang sila’y tumatanda.)


Dagdag pa niya, sa pagtungtong ng bata sa kanyang ika-3 taon, 85% sa kanang parte ng kanyang utak ay emotionally developed na.


Hindi lamang isyung pang-pinansiyal ang hinaharap ng mga bagong magulang ngayon. Ang pagkakaroon ng pamilya ay dapat pinaghahandaan nang mabuti, sa kahit na anong edad.

Kung ika’y nagdadalawang isip pa, mas maigi nang maging tito, tita, o kaya mag fur parent ka na lang muna.


About Lista

Binuo namin ang Lista para tulungan iangat ang bawat Pilipino sa mas magandang kalidad ng kani-kanilang mga buhay. Start taking charge of your finances kasama ang Lista – simulan ugaliin ang pag-record ng mga transactions tulad ng pang araw-araw na gastusin, pagtanggap ng income, pagkita sa negosyo, pagmonitor ng inventory, paniningil ng utang, at pag-generate ng invoice para sa mga kliyente o supplier. Available ang aming app sa Google Play Store at Apple App Store for free.




171 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page