top of page
Writer's pictureLista Admin

#LadyBoss: Ang Kwento ng Tagumpay ng Isang Babaeng Negosyante

Updated: Apr 1, 2022



Noong tinamaan ng COVID-19 ang Pilipinas at nag-lockdown ang bansa, maraming sektor ang naapektuhan. Marahil ang pinaka-apektado ng sitwasyon ay ang turismo at aviation industry. Kaya naman hindi naiwasan na tumigil sa paglipad ang asawa ni Fatima Jade Pabayo, na isang piloto sa isang pribadong airline.


When my husband got grounded from flying, life became tough,” ika ni Jade. “I can still remember as clear as day, yung araw na naghahanap ako ng mga naiwang barya sa mga nakatagong bag namin ng asawa ko para lang makakumpleto ng 14 pesos pambili ng dalawang pirasong itlog, para lang may maihain man lang akong hapunan sa mga anak ko.”

Pero hindi sumuko at nagpursige si Jade at ang kanyang asawa na si Rennard. “Nagtiwala kami kay Lord na ang lahat ng sitwasyon ay may dahilan, na meron siyang plano para sa amin. Mas naging malapit kaming magasawa kay Lord, and that’s when He started blessing us with business ideas we never thought of considering before.”


Makalipas ang isang taon simula nang nawalan ng trabaho si Rennard, nagkaroon ng lightbulb moment si Jade. “While sitting on a pile of bills, I realized something that my husband and I were equally passionate about: coffee. Hobby kasi namin ni hubby ang mag-kape!”


Nagdesisyon silang gawing negosyo ang hilig nilang mag-asawa. Dito nabuo ang Make-Your-Own Brand Café Solutions, o MYO, isang turn-key coffee business na may layunin na tulungan ang mga aspiring coffeepreneueurs na makapagtayo ng sarili nilang café o coffee shop.


We help our clients conceptualize their own brand, teach them barista fundamentals, train them and their staff the proper brewing techniques and beverage build. We also impart the technical-know-how of coffee while providing them with all the equipment and tools they’ll need to get their café started. Kasama dito yung initial stocks, packaging materials, at marketing support,” paliwanag ni Jade.


Meron din silang team ng graphic at layout artists na tinutulungan ang kanilang mga kliyente na magdisenyo ng kanilang logo at iba pang mga promotional materials. Bukod pa rito, ang MYO ay isang one-stop shop supplier ng mga raw materials sa paggawa ng kape.


Simula nang matatag ang MYO, marami nang natulungan sila Jade na mga kliyente sa pagtayo ng hangad nilang coffee shop. “We are currently working with our 62nd client. Our existing client cafes are from all over the Philippines. Kasama dito ang NCR, CALABARZON, Bicol region, Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Pampanga, Bulacan, Antique, Iloilo, Aklan (Boracay), Palawan, CDO at South Cotabato,” kwento ni Jade.


Sa kasalukuyan, patuloy na ang pag-angat ng buhay ng pamilya ni Jade dahil sa tuloy-tuloy na pagdating ng mga kliyente nila.


To all the women who aspire to be successful, my advice for you is to act. Act on your plans. Act on your ideas. Planning is good but ideas won’t lead you to success – it’s the action that will. Take the first step! Madalas yan kasi ang pinaka-mahirap – to take the risk. Pero yan din ang pinaka-importante sa pag nenegosyo. Gather all the strength mentally and emotionally. You have to trust yourself and you need to trust the Lord,” payo ni Jade sa mga kapwa niya women entrepreneurs.


Dagdag pa niya, dapat disiplinado at wais kang humawak ng pera, lalo sa pagnenegosyo. Kaya dapat ay handa kang baguhin ang mga negative money habits mo.


Spending far beyond what I earn, yan ang isa sa mga naging struggles ko before,” sabi ni Jade. “Kaya I learned how to spend within my means.”


Paano niya ginawa ito?


“First, you have to know your priorities, na kung posible, bayaran muna ang mga bills para makaiwas sa stress at mga penalty. Second, make sure you plan your budget accordingly. Marami ngayong mga apps na mapapadali ang pag-ba-budget. If your expenses are all over the place and you spend more than you earn, one thing is for sure, you will end up broke. Third, think of ways to double your earnings. Work, save and invest. For me it’s wiser to save up more money and invest it into assets.”





Ang layunin ng Lista ay tulungan ang bawat Pilipino na itaas ang kalidad ng kanilang buhay one step at a time. Gamit ang libreng Lista App, maari nang ilista and mga pumapasok at lumalabas na pera upang ma-budget ito ng tama. Maari ding gamitin ang Lista upang maningil ng utang at gumawa ng invoice.


I-download ang lista app dito: https://listaph.page.link/website-blog-ladyboss

3,299 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


Vic Layto
Vic Layto
Oct 23, 2023

San po napunta yung pera na inutang koh?

Like
bottom of page